|
Bagong Commander ng Light Armor Division Itinalaga
Kampo O’Donnell, Capas, Tarlac
– Isa sa mga pangunahing yunit sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang
Light Armor Division. Noong ika 22-ng Mayo 2010, isang bagong pinuno ang
itinilaga bago pa man ang inaasahang pagtatalaga ng ibat-ibang mamumuno
sa pagsasaayos ng organisasasyon sa Hukbong Katihan ng Pilipinas sa
pamamalakad ng bagong administrasyon sa susunod na buwan.
Si LTGEN REYNALDO B MAPAGU AFP, Hepe ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ay
naging Presiding Officer sa ginanap na Turn Over of Command na ginanap
sa Camp O’Donnell Capas, Tarlac sa pagitan nila MGEN SAMUEL D
NARCISE,AFP ang paalis na Commander at BGEN CARLOS E LUCES AFP,
Assistant Division Commander at siya ring pumalit bilang bagong
Commander ng light armor Division.
Ang bagong itinalaga na Commander ng LAD na si BGEN LUCES ay kabilang sa
Philippine Military Academy (PMA) Class of 1979, ang pinalitang si MGEN
NARCISE naman ay mula sa PMA Class ‘76, na nagpaalam na sa serbisyo
dahil narating na niya ang mandatory retirement age na 56. Ang nasabing
command turnover ay alinsunod lamang sa nakasaad sa batas bilang kasunod
na pinuno dahil na rin sa
pagreretiro ni MGEN NARCISE
sa serbisyo. Ayon kasi sa
batas ng COMELEC na mayroong election ban on appointments, kaya si BGEN
LUCES ay itinalaga pa lamang bilang pansamantalang Commander at magiging
permanente lamang ito
pagkatapos ng nasabing election ban sa susunod na buwan.
Sa talumpati ni Gen. Luces bilang bagong luklok na Acting Commander ng
Light Armor Division, pinasalamatan niya ang lahat ng taong nasa likod
ng kanyang tagumpay, ang mga kasundaluhan, mga matataas na pinuno at
higit sa lahat ang kanyang pamilya. Sa pagtatapos ng kanyang talumpati,
ipinangako din niya na ipagpapatuloy at lalo pang pag-iibayuhin ang mga
magandang nasimulan at iniwang proyekto kaakibat ng mabuting pamamalakad
ng napalitang Commander.
Sa kanyang mga idinagdag na bagong tuntunin, kabilang dito ay ang
pagpapaigting ng matibay na pundasyon at pagbibigay halaga sa maayos na
relasyon sa pamilya sa lahat ng kasundaluhan. Pagsasa-ayos at muling
pagpapatupad ng Military Livelihood Enhancment Program na siyang
mapapakinabangan ng mga kasundaluhan sampu ng kanilang pamilya. Higit sa
lahat ay ang patuloy na pagpapataas ng operational readinessng Division
upang lalong maging makabuluhan ang paglilingkod sa bayan.
|